Bakit nga ba mabenta sa atin mga Pilipino ang mga "instant"? Dati kung mayroon kang polaroid na camera sikat ka kasi instant ang pag develop ng larawan. Hindi mo na kailangan iwan ang film para makita ang litrato mo. Ngayon naman may digital camera, DSLR at camera phones na may instant ganda dahil sa mga application. Sa pagkain, ang hilig natin sa instant. Instant noodles, instant pancit, instant spaghetti, instant soup, instant lomi, instant ulam, instant pampalasa, etc. Ngayon pati nga kanin at ulam, may instant na rin. Konting init lang sa kawali, microwave, o kaya lalagyan ng mainit na tubig ilang minuto lang ang kailangan pwede na kumain. Tipid nga naman daw sa rekado, sa gas, sa oras. Hindi man ito sa atin nagmula ay mabentang-mabenta ito sa atin. Yun nga lang, ayon sa mga pag-aaral marami rin sa sakit ang maari natin makuha dahil sa mga ito. Ang iba sa atin naman pikit-mata na lang basta malamanan lang tiyan. Ang iba naman mas nasasarapan daw sa mga instant ...