Bakit lahat nilalagay natin Online? Sa kasalakuyan, lahat na ata nilalagay ng mga tao sa internet. Hindi lang mga "selfie", kung hindi pati lahat ng mga nangyayari sa buhay nila. Sabi nga sa isang nabasa ko, dati ang damdamin ay ipinapahayag sa taong may kaugnayan, ngunit ngayon ang damdamin ng mga tao ay makikita na lang na "status" o "tweet". Minsan mas nauuna pa ang iba na maka-alam ng nais nating ipaalam sa iba kaysa yun taong nais nating pagsabihan. Bakit parang karamihan sa atin ay nilalagay ang buong buhay nila sa "timeline" nila? Siguro ito ang nakakapagpagaan ng loob nila--yun malaman ng "friends" o "followers" nila sa social networking sites ang buong buhay nila. Sa dinami-rami mong "friends" o "followers", ilan sa tingin mo ang totoong kaibigan at sumusunod sa iyo? Kung ang mga artista nga nahihirapan sa buhay nilang walang "privacy", eh bakit natin ginagawang "public...