Bakit ang Hilig Natin Mga-Cram? Isa sa mga paborito ng karamihan sa ating mga Pilipino ay ang mag-cram. Karamihan sa atin ay galit sa hindi nagmamadali kapag malayo pa ang deadline. Ayaw na ayaw ang pakiramdamam na matagal nang natapos ang dapat gawin bago pa ang deadline. Kailangan laging cramming. Last minute na kung gumawa. Sa paaralan, parati tayong cramming para sa assignment, project, report, at pagsusulit. Ang pag-susunog ng kilay para sa mga ito ay yun tipong malapit na. Kadalasa'y kinabukasan na ang deadline o ang pag-susulit, sa gabi pa lang tayo gagawa. Naaalala ko dati parati kong sinasabi sa sarili ko matapos ko maipasa ang mga kailangan ko maipasa ng hindi ganoon ka-ganda ang kinalabasan o ano naman kaya ay matapos ang isang pag-susulit, na sa susunod ay hindi na ako mag-cram. Ngunit kadalasan ay nauuwi pa rin ang sa pag-cram. Mas inuuna kong manood ng TV, mag-laro, gumala at mag-relax bago ko bigyan ng pansin ang mga kailangan kong gawin. Ano bang mayroo...