Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2014

Bakit Gusto Nating Matakot?

Bakit ba tayong  mga Pilipino kay hilig makiuso sa mga banyaga? Isa sa hindi ko maintindihan ay ang pag-gaya natin sa kanila sa Halloween. Bakit ba natin kailangan takutin ang mga sarili natin sa mga nakakatakot na palabas, nakakatakot na kuwento, atbp. Ang benta ng mga horror movies sa atin. Kahit pa mas maraming parte ng palabas ay may takip ang mata natin. Sabay tanong sa katabi "anong nangyari?" Dati rin mahilig akong manood ng nakakatakot kasama ng mga pinsan ko at mga kaibigan ko para lang hindi makatulog ng ilang araw. Shutter, The Ring, The Eye, The Grudge, Pet Cemetery, ilan lang yan sa mga pelikulang gumising sa akin sa madaling araw. Dati rin usong-uso ang mga dokumentaryo tungkol sa mga haunted house, engkanto, multo, lamang-lupa, atbp. nakakatakot na nilalang. Mabenta dati ang palabas ni Kabayang Noli "Magandang Gabi Bayan" kapag malapit na ang Halloween. Ilang gabi na naman akong hindi nakakatulog pagkatapos kong manood nun. Bakit ba gusto natin ...