Sa buhay natin ay mayroon mga bagay na kailangan natin pero ayaw natin. Anu-ano ba ang sa akin? 1. Masustansyang Pagkain Isa na dito ang pagkain. Noong bata ako hindi ako mahilig kumain ng gulay. Mas masarap pa rin ang mga porkchop, fried chicken, crispy pata, atbp. Kapag ganyan ang ulam ay tuwang tuwa ako. Ngunit kapag nakita ko na ang ulam ay gulay ay nawawala bigla ang gana kong kumain. Habang lumalaki ako ay unti-unti kong pinag-aralan kung paano kumain ng gulay para may sustansya naman akong makuha. 2. Gamot Katulad rin ng gamot. Ayaw na ayaw ko noong bata pa ako na uminom ng gamot kasi mapait. Kung anu-ano ang ginawa ng mga magulang ko pati mga tiyahin ko para lang mapainom ako ng gamot kapag may sakit ako. Noong una dinudurog nila ang biogesic sa kutsara sabay nilalagyan ng tubig at asukal. Nilulunod ko ng tubig ang sarili ko sa pag-inom upang mahugasan ang pait. Sinusumpa ko ang pag-inom ng gamot sa sobrang pait nito. Kung puwede lang talaga na hindi na ako...