Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2014

Na-Indyan ka na Ba?

Indyan, yan ang mga tawag natin kapag hindi tayo sinisipot ng kausap natin. Drawing naman kapag nagbibigay ng salita ngunit hindi naman tinutupad ang sinabi. Masuwerte ka kung hindi mo pa nararanasan ito sa buong buhay mo, pero karamihan sa mga Pinoy ay naranasan na ito.  Sabi nila kasama na sa kultura natin ang Filipino Time. Ano ba ang Filipino Time? Sabi nila isang oras na late ito sa pinag-usapang oras. Minsan ay higit pa. Magkakasundo kayo sa oras na magkikita kayo. Pagdating sa oras na pinag-usapan ay mas madalas ang pagkakataon na maghihintay ka ng isang oras pa. Hindi naman lahat sumusunod sa Filipino Time.  Sa totoo lang, sino ba nag-imbento ng Filipino Time? Hindi naman komo sinabi lang na parte na ito ng ating kaugalian ay dapat sundin na ito. Dapat nga ay mas patunayan natin na hindi ito totoo sa lahat ng pagkakataon--na mas madalas na natutupad naman ang pinag-usapan. Ito nga kaya ang dahilan kung bakit hindi tayo umuunlad? Sapagkat kulang tayo sa isang s...