Sa tuwing natutulog tayo ng mahimbing ay nananaginip tayo. Kadalasan daw sabi ng mga Siyentipiko ay ang huling panaginip bago tayo magising lang ang naalala talaga natin. Minsan pa nga nagigising tayo na para bang pagod na pagod tayo dahil parang totoong nangyari ang sa panaginip natin. Dati sa sobrang stress ko sa trabaho ko ay napapanaginipan ko na nasa trabaho ako at nagtatrabaho. Kaya pag gising ko ay parang pagod ako sa panaginip ko. Para bang hindi ako talaga natulog. Pero minsan rin naman ay nakakalimutan natin ang panaginip natin. Magigising tayo na may tanong na, "ano nga bang napaniginipan ko?" Weird daw ang panaginip natin kadalasan kasi halo halo ang mga detalye sa memorya natin--para lang hinalong kalamay. Minsan mga kakilala natin ang naroon. Minsan rin mga hindi natin talaga kilala. Minsan pati mga kilalang tao ang kasama sa panaginip natin. Minsan ginagawa nila ang mga bagay na iniisip mong gagawin nila, minsan din ginagawa nila ang mga bagay na hin...