Drama, ang hilig nating mga Pilipino. Mas madrama ang pelikula, mas award-winning. Kapag napaiyak ka ng pelikula, lalo ng pag-arte ng mga artista. Mabenta ang mga kwento kung saan ang bida ay inaapi ng lahat. Pero napaiyak ka na ba sa mga pelikula? Kung oo, ano-anong mga pelikula ang nagpaiyak sa iyo? Nagtanong-tanong din ako sa mga nakapaligid sa akin at ito ang ilan sa mga pelikulang nagpaluha sa kanila ng bonga: Ako, sa totoo lang mas napapaiyak tuwing may asong namamatay. Kaya noong bata ako ang isa sa mga unang pelikula na natatandaan ko na napaiyak ako ay ang "All Dogs Go to Heaven". Kung gusto mo akong mapaiyak sa pelikula, panoorin mo ako ng tungkol sa asong namatay at siguradong magtatagumpay ka sa pagpapaiyak sa akin. Kahit cartoons pa ito effective sa akin. Naiyak rin ako dati sa "Land Before Time" nang namatay ang nanay ni Little Foot. Isang pelikulang nagpaiyak sa akin ng todo noong Grade School ako ay ang "An Affair to Remember...