Hindi natatapos ang kasiyahan sa panahon ng kapaskuhan dahil isang lingo ang makalipas ay hinaharap na natin ang Bagong Taon. Pagkatapos pa lang ng Pasko ay panibagong pagdiriwang na naman ito. Paano nga ba nating ginugunita ang Bagong Taon dito sa Pilipinas? Dito sa Pilipinas ay parang hinalong kalamay ang ating mga tradisyon lalo na tuwing Pasko at Bagong Taon, ang iba ay galing sa mga Chinese, mayroon na rin Western. Magsuot ng damit na may bilog bilog/polkadots para daw dumami ang pera natin ngayon bagong taon na darating. Dahil wala na raw masyadong halaga ang barya kaya dapat daw parisukat/rectangle na ang design ng damit mo para papel ang pera na dumating sa iyo ngayong bagong taon. Pwede rin naman cheque o 1/2 sheet of pad paper. haha. Pero bakit kapag nagsuot ka naman ng polkadots nang hindi Bagong Taon ay aasarin kang Bagong Taon ba daw. Sagutin mo kaya nang, "oo Bagong Taon ngayon at araw araw sa buhay ko" tignan natin kung anong isasagot nila. Maglag...