Mahirap na madaling masanay sa nakasanayan. Minsan masyado tayong nagiging kumportable sa mga bagay bagay sa buhay natin na hindi na natin matanggap ang pagbabago. Nahihirapan na tayong mag-isip pang sumubok ng iba. Halimbawa, kapag nasanay na tayo sa ginagamit nating tatak ng mga binibili natin, minsan ang hirap kapag wala ang tatak na ito. Isa sa pinakakinaiinisan ko ay kapag ang kasama ko ay masyadong nasanay sa nakasanayan lalo sa ibang bansa. Para sa akin pumupunta tayo sa ibang bansa para malaman ang kultura at pamumuhay sa ibang lugar. Doon malalaman mo ano ang pagkakaiba sa nakasanayan mong buhay. Pero kapag kasama ko ay takot sumubok ng iba sa nakasanayan nila ang hirap na kumbinsihin na sumubok ng ibang bagay. Limitado ang nararanasan nila. Limitado ang nalalaman nila. Paulit-ulit na lang. Minsan dahil nasanay na sila sa isang hotel na natirahan namin ng dalawang beses na ay sinabi nilang doon nila ulit gustong tumira sa pagbalik namin sa bansang iyon pag...