Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2013

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Mahalaga ang 'First'??

Bakit nga ba binibigyan ng halaga ang first at last? Bakit hindi second, third, fourth, fifth, etc.? Sabi nga nila there's always a first time for everything. Nandoon pa raw kasi ang excitement. Nandoon pa ang kaba. Nandoon pa ang curiousity. Dahil hindi mo pa alam paano. Hindi mo pa alam anong mangyayari. Hindi mo pa alam anong mayroon.  Katulad ng mga ito: First day sa school, sa trabaho, etc. Natatakot ka sa hindi pa nangyayari. Natatakot ka sa hindi mo pa alam. Natatakot ka sa mga hindi mo pa kilala. Kapag wala ka pang kakilala kung hindi ka agad makakilala ng kaibigan ay mag-iisa ka na lang. Kinakabahan ka pang pumasok ng unang beses sa classroom o sa opisina.  Naalala ko pa noong first year ko sa kolehiyo. Panibagong school, panibagong mga tao, panibagong mga guro, panibagong schedule, atbp. Simula ng panibagong buhay ko. May isa kaming professor na nagtitrip sa mga katulad naming baguhan doon. Nagpapanggap siyang strict at nakakatakot na professor pagpasok ...