Ako, Sa Akin, Tayo… Bakit nga ba parati na lang AKO, AKO, AKO? Lahat ng mga positibo, maganda, magaling AKO, AKO, AKO Kung hindi naman ay SA AKIN, SA AKIN, SA AKIN AKO lang ang mabuti, AKO lang ang maayos, AKO lang ang magaling, AKO lang ang dapat na da best, AKO lang ang dapat na masaya. Minsan TAYO, TAYO, na lang. Mayroon bang TAYO lang? Kailan bang magiging TAYO na lang? Paano naman sila? Paano naman siya? Bahala na siya. Bahala na sila. Bahala ka na. Hayaan mo na siya. Hayaan mo na sila. Wala akong pakialam sa kanila. Gusto ko AKO nang AKO lang. Basta gusto ko SA AKIN ang lahat ng gusto ko. Masama bang sabihing kong SA AKIN ka na lang? Paano naman kayo? Mayroon bang kayo? Walang kayo. Wala ring sa iyo. Paano na TAYO? Kahit kailan ba ay naging TAYO? O minsan bang ika'y naging SA AKIN? Ngunit pag ‘di maganda puro na lang siya, sila, sa iyo. Lahat ng sisi ay sa kanya, sa kanila, sa iyo. Napakamakasarili KO ba? ...